Monday, April 20, 2020

Mr & Mrs

Good day Give and Take Im from Mindanao pero nasa Cebu nag trabaho Noong una hirap pero pursido ako makahanap ng trabaho after one month natanggap ako bilang Graphic designer o graphic artist. Mula nuon nahasa ang sarili ko sa trabaho na ang natutunan ko lang ay basic. Pero isa sa rason bakit ako pumunta ng Cebu dahil sa Boyfriend ko na taga cebu. Nagkita kami tapos ilang bulan, taon unti unti ng naging miserable ang relation namin. Nag resign ako sa trabaho ko at lumipat ako aa ibang company nag call center agent ako. At doon di rin ako nagtagal nag resign na naman ako. Kasi gusto ko malapit lang ako aa boyfriend ko. May trabaho din boyfriend ko at gusto lagi kami magsama at laging mag uusap. At sa madaling salita Selosa. Isa yan sa dahilan na lagi kamo mag away at ganito narin buhay ko buhay namin away bati. Lahat ginawa ko lahat lahat pero wala parin Nag rent ako at kumuha ako ng residence lot  dito sa cebu para sa aming dalawa. At pinatayuan ko ng bahay at pagkatapos non gusto ko magsama kami aa boyfriend ko at ito ay ayaw nya. Friend nya inaaway ko na rin di ko na naintindihan sarili ko. Gusto ko laging ako. Dumating sa punto na nag homebase na ako at okey naman kaya relax ako kasi nasa bahay lang ako. Dumating ang panahon na halos na bagay kung ano mang meron ang boyfriend ko konukwestyon ko na at sa dumating ang araw na ayaw na niya sa akin kahit anong gawin ko lahat nagawa ko pambabastos para lang bumalik siya sa akon pero hindi na.  Ilang taon kung hindi ko matanggap na naghiwalay kami mga friends ko laging pumunta sa bahay at lagi nila ako niyaya vacation para makapag isip at maasikaso ko na rin ang sarili ko. Gayon paman unti unti ko ng nalalimutan boyfriend ko at mula noon may nakilala akong isang tao na nakatulong sa akin para maka move on. At itoy malaking pasasalamat ko sa ngayon nakahanap ako ng lalaking para talaga sa akin kinasal kami at meron na kaming mga anak. Maraming Salamat

1 comment: