Thursday, April 16, 2020

Stranger of the day & I

AbangerZ

My Dudz Magandang araw ipagpatuloy natin ang paglalakbay sa buhay ni Stranger of the day and I, hehehe ano kaya sumusunod pangyayari. Di ba sinabi ni stranger na magkasama na sila sa isang bobong so sa madaling salita di na pwede. Medyo nasaktan naman of course hinayaan nalang ni I si Stranger Ganun talaga ang buhay. Lumipas ang araw, buwan, taon, naisipan kung e communicate muli si Stranger of the day at komustahin. Pagkatapos ng ilang dekada. Nag message ako sa kanya kinumusta ilan na anak nya komusta ang buhay kasama ang pamilya. Sumagot naman siya sa message ko pero iba ang sinabi nya at marami daw siya pinagdaanan, sinabi nya na nagkaroon siya ng problema may time daw na naisipan nya ako. At doon lagi na kaming magkomustahan at sinabi rin nya kung gaano ka sakit kahirap para maiayos lang yung problema nila sa kinakasama nya sa bahay. Minsan daw mag vivideoke siya mag isa hahaha nakakaloka! Tawa lang ako sa kanya. Alam nyo may hindi ako makalimutan na sinabi ko sa kanya na naging daan o tulay para naging constant na communication namin! "Dapat Balanse" effective pala yon. Lahatan na problema dito problema doon ganun na rin topic namin. Hanggat dumating na ang oras nagsimula na siyang nanumbat sa akin, marami na kasing panahon na gusto nya makipagkita aa akin at ayaw ko naman lagi akong may dahilan. At dumating ang araw na sinabi ko sa kanya pag may pagkakataon magkita kami. Ano kaya ang sagot ni stranger of the day My Dudz?

At doon nag tapos ang buhay sa pangatlong Chapter ng buhay ni Stranger of the day & I.

AbangerZ

Bukas

Sundan nyo nalang ako sa aking youtube Channel

Please click and Subscribe

https://www.youtube.com/channel/UCHAIOTH0VHEsTYXQwWBEAyg

No comments:

Post a Comment